Wednesday, January 4, 2012

Di ko lang maintindihan,
andaming tanong saking isipan,
Mahal mo ba talaga ako?
o ito lamang ay pakitang-tao?

Sabi mo mahal mo ko,
pero sino yang kasama mo?
Oo na aaminin ko,
nagseselos ako ng todo.

Akala ko bestfriend mo lang sya,
yun pala may something na,
Ok lang tanggap ko naman,
kasi sa kanya wala akong laban.

Pero natatandaan mo pa ba?
Sabi mo sakin mahal mo kong talaga,
Eh ako naman tong tanga,
agad-agad naniwala.

Sana di na lang umasa,
ako ay nagkamali lang pala,
kala ko kasi mahal mo ko,
yun pala hindi totoo.

Dapat na siguro akong sumuko,
nang di na masaktan pang lalo,
pero ito ang aking pangako sayo,
mamahalin pa rin kita hangga't kaya ko.

0 comments:

Post a Comment

 
 
Copyright © Nothing extraordinary.
Blogger Theme by BloggerThemes Design by Diovo.com